Marino na laging take 2 sa medical exam bago sumampa sa barko, laking pasasalamat sa LCIF!

Maraming marino ang problema ang medical exam na isang requirement bago ka sumampa sa barko dahil sa labis na katabaan at kung anu-ano pang mga lifestyle diseases at isa na dito si Mhyke De Castro Quisquis. Alamin kung pano nya na-solusyonan ang problema nya sa pamamagitan ng paggawa ng “Low Carb and Intermittent Fasting™” (LCIF).

Reposting what Mhyke shared in my LCIF FB Group here to hopefully inspire others (reposted with permission).


PTPA. Sana ma approve na to this time hehe First of all gusto ko mag thank you kay itay Dave Cristoferson Aguila at kay inay Ara (d pa kami friends sa fb hehehe ) dahil sa group na to naging mas ma disiplina ako sa sarili ko.

SW : 89 kgs
CW : 70 kgs
GW : 65- 68 kgs

Simulan ko yung kwento ko, Noong bata pa ako payatot ako wala akong ginawa kundi kumain, maglaro at matulog typical na bata noon hanggang sa lumobo ako at umabot sa ganyang kalaki 2014 photo diyan ko narealize na ang taba ko na at pumuputok na ang mga damit ko, sobrang na stress ako kaya naisipan q mag search ng mga diet pills well effective siya pero ang panget ng outcome physically para akong adik sa payat lubog mata at pisngi tapos ang pangit ng pakiramdam kasi ang dry sa lalamunan yun kasi ang side effect nya mauuhaw ka at papawisan ng malala, hindi mukhang healthy tignan pero ang naka set kasi sa mind ko eh pumayat lang nung time na yun and then after q ma reach ang 68kgs kumain na q ulit ng masasarap kasi nasa isip q na pwede naman ulit ako mag take ng diet pills para pumayat ulit eh at BOOM ayun lumobo ulit ng 89kgs hanggang 2019.

2017 -2019 Nagbabarko na ako nyan everytime na nag memedical ako lagi akong may sabit sa galbladder so ang tendency in order for me to go onboard need ko bumili ng worth 8k na gamot for my maintenance good for 3 months, napaisip ako sabi q anu bang dapat kong gawin ayaw q lagi bumili ng ganito kamahal na gamot kada sasampa ako..

Then feb. 20 2019 nakilala ko ang lcif woe nung una d pa ako naniniwala sa ate ko kasi puro karne kinakain nya at itlog lang sabi q pa sa knya baka highblood naman maging sakit niya then she invited me sa group at nakita q si moderator jen at dun ako nakumbinsi na i try ung WOE nila sabi q sa ate q na isabay niya q sa ginagawa niya and after 1month kita q na agad ang result kaya tinuloy tuloy ko siya at dumating na yung moment na mag memedical na q ulit month of march un na ipost q na dito sa group ng lcif un sobrang gulat ko na ung result q ay negative na ang gal stones ko sobrang saya ko nun kasi hindi na q gagastos ng 8k, nde q sure kung dahil sa lcif un pero para sakin un ang reason kung bakit nawala un kasi un lang ang ginagawa q during that time biruin mo pang apat na sampa q na un bago nawala at dahil sa lcif woe biglang walang gal stones. Kaya mas lalo ako nag pursige mag lcif at sine share q to sa mga kasama q sa barko, lagi q sinasabi sknila na sa umpisa lang mahirap pero kayang kaya at dapat buo ang loob mo na gusto mo gawin tong lcif woe kasi need dito ang dedication at focus para sa goal mo.

At ngayon proud ako ipakita sa inyo ang Result ng paghihirap ko from 89 to 70 konti na lang malapit na ko sa goal weight ko… at totoo na dahil sa lcif matututo kang magkape hahahaha

Kung ikaw ay beginner at para mas maintindihan mo pa ang LCIF WOE you can visit sir dave’s official youtube account : https://m.youtube.com/c/mylcifjourney, hit subscribe and bell button for new updates…

Salamat sa pakikinig mga INAKAYS

#LCIFWOE #ProudInakay


Thank you for letting me share your post here in my blog, Mhyke! Keep improving and keep inspiring!

If you wish to learn how to become healthy and slim via LCIF, I invite you to watch my LCIF-related vlogs in my YouTube Channel and learn for FREE.

If you are a Doctor who wish to learn more about this WOE from an actual healthcare professional, click here. If you’re a Nutritionist who wish to learn as well, click here. If you are a Nurse who wish to learn more about this too, click here. If you’re a non-healthcare professional like me who wish to become gain more knowledge about this WOE for whatever purpose it may serve you (like being a coach like me perhaps) via an Online Professional Training, click here.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this blog post are those of the featured speakers/authors and do not necessarily reflect or represent my own views/opinions about the subject matter. Reader and/or viewer discretion is advised.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *